XENA POV "Masaya ka ba Xena?" Tanong sa akin ni Mark. Saglit ko syang sinulyapan. "Bakit hindi? Makukuha ko na ang matagal ko ng gusto at yun ang pabagsakin ang mga taong nagpahirap sa akin." Sagot ko. Kasalukuyan kaming nasa Park. Inaya nya akong lumabas para makapag-usap. Tinitigan ko si mark. Kung maaga ko syang nakilala malamang para na akong baliw dito na kinikilig dahil may kasama akong gwapong lalaki. Pinilig ko ang ulo at pinigilan ang pag-ngiti. Kung hindi ko nakilala si alvin at kung si mark ang una kong nakilala malamang magkagusto ako sa kanya. Pano ba namang hindi, mabait at sobra syang magpagmahal. Kung pwede nga lang mawala na ang pagmamahal ko para kay Alvin, gusto kong ibaling na lang sa iba ang pagmamahal ko. Kung may pagkakataon lang akong baguhin ang lahat, gu