XENA POV Hininto ko sa gilid ng kalsada ang sasakyan ko. Binuksan ko ng kaonti ang bintana. Kitang-kita ko mula dito ang pagyakap ni Pauline kay Alvin. Hinahayaan lang sya ng lalaki. Kumuyom ang palad ko. Ako dapat ang kayakap ni Alvin. Ako dapat ang kasama nya at higit sa lahat ako lang ang dapat na asawa sya. Hindi ko malaman kung ano ang iniisip ni alvin sa sandaling ito. Walang ekspresyon ang mukha nito. Inilayo nya sa kanya si Pauline dahilan para malungkot ang babae. Napangisi ako ng makitang lumabas ng gate si Alvin. Sumakay sya sa kotse nya at pinaandar na paalis. Nagmamadaling binuhay ko ang makina ng sasakyan ko para sundan sya. I need to talked to him sa lalong madaling panahon. Nagtaka ako ng huminto ang kotse nya sa flower shop. Hindi na ako lumabas pa ng kotse ko pa