MAYUMI’S POINT OF VIEW ✦ Akala ko talaga may gagawin kaming kababalaghan dito ni Eos sa tubig kaya nang hindi ko na talaga napigilan at tinanong ko na siya, sinabi niya sa akin na mahirap daw kung dito mismo kami sa tubig gagalaw! Aliw na aliw na naman ang tawa niya sa akin, pero sumeryoso na rin siya kahit na nga ba nakangiti pa rin ang mga mata niya. “As much as I want it too, mahihirapan tayo.” “Bakit na na-try mo na ba?” Sabi na nga ba tatawanan na naman niya ako! Pero, this time, ninakawan naman niya ako ng halik kaya medyo may pampalubag ng loob. “No, sweetheart, hindi pa. I don’t remember being adventurous and trying it anywhere outside the bedroom.” Kung hindi lang malamig ang tubig, siguro buong katawan ko uusok sa init. Ibig sabihin ba sa akin lang din talaga niya nasubukan

