MAYUMI’S POINT OF VIEW ✦ “Mami, para sayo, mabait pa talaga ang mga big boss natin o sadang mabait lang sila kasi kailangan?” Hindi ko alam kung saan ako mas dapat kiligin—sa katotohanan ba na ito ang unang beses akong tawagin ni Anne na “mami” o sa tanong niya. Bago lang si Anne sa akin at hindi talaga madali sa kanya ang mag-adjust; pero heto na nga kami ngayon! Bonus pa na alam kong ma tiwala na siya sa akin dahil first time niyang nagtanong sa akin ng ganito. Ibinaba ko muna ang mga papel na hawak ko, mga detalye iyon ng susunod na project niya. “Sa tingin ko mabait sila kasi mabait talaga sila. I mean, sa tingin ko naman wala sa kanina ang may energy na maging plastic.” Isa rin kasi talaga sa hindi ko pinaka-inaasahan dito sa kompanaya ay ang pagiging sobrang down to Earth ng mga

