MAYUMI’S POINT OF VIEW ✦ Hindi ko rin alam kung bakit sobrang tagal bago ko nasabi pabalik, pero sigurado naman akong walang pagdududa ang ginawa ko. Sadyang para bang ngayon lang talaga ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsabi. Para sa kagaya kong nanggaling sa isang toxic relationship bago pa man din ang lahat, kailangan ko lang talagang matutunan ulit na hindi naman mahirap magmahal at hindi mahirap maging honest tungkol dito. Mukhang hindi pa makapaniwala si Eos sa sinabi ko, nang mag-angat ako ng tingin sa kanya, kaya naman hindi ko alam kung maiiyak ba ako o ano! Nakakaloka! “Eos naman…” He suddenly chuckled and hugged me again. Muntik ko ng makalimutan na nasa gitna pala kami ng dance floor, pero ayos lang kasi sa totoo lang ang mahalaga lang naman sa akin ay si Eos at kung an