MAYUMI’S POINT OF VIEW ✦ Matapos na nga ang confession ni Eos na sugar daddy era niya ngayon, gumayak na talaga kami para makalabas na for breakfast and mapuntahan na namin si Thea. Kidding aside, hindi naman na bago sa akin na malaman na may ganoon siyang klaseng love language. Ako rin naman—hindi lang dahil may responsibilidad ako sa pamilya ko, kung hindi ako mismo sa sarili ko, gusto kong financially stable ang pamilya ko. Hindi ko man kayang ibigay ang mundo sa kanila, basta, at least, alam kong naibibigay ko iyong mga bagay na makakapagpasaya sa kanila. Masaya lang din talagang biruin si Eos na isa na nga siyang ganap na sugar daddy. Ang isa pang gumugulo ngayon sa isip ko habang naliligo ako ay ang katotohanan na lifetime subscription also known as sponsorship ang balak ibigay

