MAYUMI’S POINT OF VIEW ✦ Hindi ko naman sinasabing buti na lang at hindi pwede ang mga magulang ni Eos ngayon, pero nagpapasalamat pa rin ako na hindi ko sila agad-agad na kakausapin. Hindi pa kasi talaga ako handa! At least kasi si Eos, literal na na-meet na niya ang mga magulang ko kahit na nga ba sabihin natin na iba ang sitwasyon noon. Ako kasi… Nakakaloka! Kailan munang ihanda ko ang sarili kong mabuti! Natatawa nga ako kasi itong kaba ko, pang-teenager na masyado pang bata para mag-nobyo kaya iba na lang ang kaba. Muntik ko ng makalimutan na malapit na ring mag-line of three ang edad ko. Nakakaloka talaga! “I think it’s normal.” Sabi na ni Eos kahit na tinatawan niya ang point ko. “I would be nervous too if it’s my very first time talking to your parents and we’re here in our sit