MAYUMI’S POINT OF VIEW ✦ Kung talagang meron lang akong super hinahangaan, maliban sa mga magulang ko, si Ma’am—este si Selene na talaga iyon! Hinahangaan na as in sa way ng paghanga sa isang idolo o kaya naman sa isang artista! Iyong tipong excited kang makita siya at masaya ka kapag may bagong “content” kang matatanggap.Alam kong hindi normal ang sobrang paghanga ko sa boss ko pero kasi! Super fangirl talaga ako! Kaya nga ngayong nandito na siya at suot pa ang isang bikini, para na talaga akong mamamata sa kilig! At syempre, talagang inamin ko ang lahat ng iyon sa kana mismo! Pinunasan na niya ang tears of joy niya katatawa. “Oh my goodness, Yumi! Masyado mo akong pinapasaya!” Agad niyang binalingan si Eos at ngumisi na ng nang-aasar. “Did you hear all of that, baby brother? Yumi ha

