MAYUMI’S POINT OF VIEW ✦ Na-inform naman na akong ang diretso na namin ay sa bahay nila Eos, pero iyong kaba ko, mapapalabas na yata ang puso ko sa dibdib ko! Super bilis ng mga pangyayari pero sa totoo lang na kahit mas kabado ako kaysa sa excited, gusto ko na rin talagang makilala ang mga magulang nila ni Selene. Hindi dahil responsibilidad o kaya naman ay basta para matapos na ito agad, kung hindi genuinely na gusto ko ng ma-meet ang mga taong dapat kong pasalamatan kasi kasi nag-e-exist si Eos ngayon. Oo, ganito talaga ako ka-sentimental. Bago kami bumaba kanina ng yate, nagpalit na ako sa isang simpleng knee-length sundress. Sa totoo lang, magji-jeans lang sana ako pero naisip ko na espesyal na okasyon ito at kailangan naman kahit paano, bagayan ko ang okasyon. Hindi naman revealin

