MAYUMI’S POINT OF VIEW ✦ Hindi ko naman sinasabi na masaya akong hindi na invited si Faith sa kasunod na coffee session pagkatapos ng lunch, pero parang ganoon na nga. Sobrang childish, alam ko naman iyon, pero mas pipiliin ko namang magpaka-honest sa sarili ko kaysa sa maging plastic. Noong nakaramdam si Faith na ang gusto na lang maiwan ni Mrs. Aitana ay ang mga anak niya, gumawa na rin siya ng excuse na kailangan na niyang umalis. Kitang-kita pa nga sa mukha niya ang pagkadismaya niya ng hindi na siya pigilan ng ginang, na para bang sinusubok niya kung sasabihin nitong huwag muna siyang umalis. Tinawanan pa ako ni Eos ng kami na lang ang matira sa dining hall kasi sinabi ko talaga siya sa kanya lahat! Nauna na rin kasi ang lahat papunta doon sa garden. “As much as I can say that I

