MAYUMI’S POINT OF VIEW ✦ Tuwing nasasabihan akong pwede akong mag-model, laging tawa lang ang isasagot ko kasi alam ko namang imposible iyon. Height pa lang kulang na ako, pero hindi ko naman ikakaila na masaya akong nasasabihan ako ng ganoon. Ang lakas makaganda! Pero ngayong nakikita ko na talaga ang sarili ko sa isang magazine… Alam kong hindi ito counted dahil saling pusa lang naman ako hindi naman ito lalabas sa public, pero iba pala talaga. Ibang-iba sa point na hindi ko na maipaliwanag ang kilig ko. Not to mention every kind word that Eos has been telling me since he gave me this copy. Ang nakakainis pa ay alam na alam kong nagsasabi lang siya ng mga talagang opinion niya at hindi basta-basta sinasabi ang mga salitang gusto kong marinig. Lalo ako kinikilig at ngayon alam na ala

