"Mathew, i want that food," turo ko sa kanya nang nasa loob kami ng supermarket at namimili ng grocery, actually hindi namin ito dapat ginagawa dahil marami namang mga katulong ang gagawa nito ngunit dahil gustong makasama si Mathew ngayong araw, gusto kong mag-bonding kami sa pamimili. May dalawang katulong naman kami na naka-alalay sa'min sa paghihila ng cart ang dami kasing pinamili namin na kulang na lang maubos ang laman ng supermarket. Kinuha ni Mathew ang tinuro kona crackers 'yon at orange lemon juice na nasa bottle. Para kasing gusto kong kumain ng crackers. "Hindi ito puwede sa 'yo nakakasama kay baby," sabi niya. Sumimangot ako. "I want that!" Tinitigan ako ni Mathew. "This is not good for you and to our baby. I will buy mango, apple, strawberry but not crackers." sabi niya