"ANO'NG meron dito?" Pinagmasdan ko ang loob ng kuwarto namin ni Mathew. Punong-puno ng mga bulaklak at balloons ang loob ng kuwarto maging ang sahig ay namin ay nakakalat ang mga puti at pulang petals na rosas. Sinundan ko ang mga petals hanggang sa may sala ng mansyon at nakita ko si Mathew na may hawak bouquet. Nakangiti siya sa 'kin. Nakasuot pa siya ng itim na tuxedo at black pants. Hindi ko maintidihan kung anong meron ngayong araw bakit ang sweet ni Mathew. Ang lapad ng ngiti ko habang pinagmamasdan ko siya para akong prinsesa na bumaba ng hagdan habang naghihintay sa 'kin ang prinsepe ko. Nakakadagdag pa ng kiling ang sweet music na pinapatugtog. Ang mga katulong namin ay nandoon lahat at kilig na kilig habang bumaba ako ng hangdan. I walked towards him. "Anong nangyayari?" tano