[SELENA] "Hello, Tita!" Nakangiting sabi ko sa Mommy ni Mathew. Ang lapad ng ngiti nitong sinalubong ako. "Selena, how are you?" sabay yakap niya sa'kin. "Lets go inside," pagkatapos ay inalalayan niya ako papasok sa loob ng mansyon niya. "Manang! dalhan mo kami ng pagkain." sabi niya sa katulong. Pagkatapos ay pumunta kami sa loob ng silid kung saan tanaw na tanaw ko ang magandang paligid sa labas. Naglabas ng wine si Tita Odette. "Magce-celebrate tayo dahil nabaliw na si Tiffanie." sabay lagay niya ng alak sa wine glass. "Poor Tiffanie," sabay tawa ko. "How's my grandson?" tanong ni Tita Odette. "Nasa pangangalaga pa rin siya ng pinsan kong si Dara." "I see. I miss my grandson, puntahan natin siya next week gusto ko ng makita ang apo ko." "Sure, Tita." sabay lagok ko ng wine.