Crossroads AiTenshi Part 20 Matapos ang insidenteng kinatakutan ni Gillian, hindi na ako nito muling sinamahan pa, kapag umuuwi ako ng bahay o kapag nakita niya ang aking sasakyan ay kumakaripas ito ng takbo papasok sa loob ng bahay, kaibahan dati na halos salubungin nya ang sasakyan ko para lang mabuhat ko siya agad at mahalikan. Parang naging isang malalang trauma iyon sa kanya, bagamat kasalanan ko rin naman, hindi dapat makita ng bata ang ganoong bagay dahil magiging isang malaking bangungot ito sa kanilang mga isipan. Ngunit sa kabila ng lahat ay hindi ako nawalan ng pag asang bumalik sa dating ang lambing nito sa akin,sa tulong na rin ni mama at ni Ram unti unti nila itong kinakausap at pinapaliwanag na hindi ako bad na tao kagaya ng iniisip niya. Hindi tuloy maiwasang mag balik