Crossroads AiTenshi Part 29 "Sumagot kaaaa! Minahal mo ba siya? Mahal mo ba siyaaaa?" "OO! MAHAL KO SI RAM!" ang sigaw ko dahilan para lalo siyang mag wala. "Hayop kaaa! Bakit lalaki pa?! Hindi ko kayang sa lalaki mo ako ipag papalit! Mga bakla! Mamatay na kayo!" ang sigaw ni Jia na paulit ulit kong naririnig sa aking tainga. Noong gabing iyon ay halos hindi ako nakatulog natagpuan ko ang aking sarili na nakatitig lang sa kisame, punong puno ng kung anu anong bagay ang aking utak at halos pakiwari ko ay mabubuang ako dahil ayaw tumitigil nito sa pag andar. Kasabay nito ang malakas na kabog ng aking dibdib na parang lalabas ang aking puso dito. Nasa ganoong pag iisip ako noong mag ring ang aking cellphone at dito nakita kong tumatawag si Ram. Sinagot ko ito agad. "Hello, are you okay?