Crossroads AiTenshi Part 17 RAM POV "Dalawang order ng menudo saka pancit for take out please." ang naka ngiti kong wika sa tindera ng karinderia noong bumili ako ng ulam. Para sa katulad kong hindi marunong luto ay talagang sa pag bili nalang ako ng pag kain umaasa. "O papa Ram libre na tong dinuguan at puto sa iyo. Ang gwapo gwapo mo, tapos kahit pawis ka ang bango bango mo pa." ang wika dagdag ng beki na kanyang katulong. "Salamat, the best nga itong mga ulam niyo. Tataba talaga ako nito." naka ngiti kong tugon sabay kuha sa ulam na naka plastic. Naka tira lang ako sa isang maliit na unit sa ikatlong palapag ng paupahang gusali. Simple lang ang aking silid, may isang kama, may maliit na kainan, may telebisyon, maliit na kusina at lalabo at maliit na CR. Mura lang ang upa dito at s