Crossroads AiTenshi Part 27 Maya maya pinakawalan niya ang mga hawak na patalim patungo sa aking direksyon, dahil puro pinsala na ang aking katawan ay nahirapan na akong umiwas. Noong tatama na ang mga patalim sa akin ay niyakap ako ni Ram saka at tumama sa kanyang likuran ang dalawang pirasong patalim. Maya maya ay nag pakawala pa ng isa pang patalim si Pansol kaya naman inikot ko si Ram at sinalo ko ang sumibat na patalim gamit ang aking likuran. Tumusok ito sa aking balikat kung saan may dati nang sugat kaya napasigaw ako ng husto. Inalis ni Ram ang nakatarak sa kanyang likuran at bumulagta nalang ito sa lupa. Ang kanyang suot na puting dami ay naging pula na sa dami ng dugong tumapon sa kanyang katawan. "Ram, tinawagan ko na sila Miyong, dito ka lang at hintayin sila. Please, huw