Crossroads AiTenshi Part 45 "Kumusta si papa?" tanong ko kay Miyong noong makapasok ako sa gusali ng Sigma, abala ang lahat sa pag aayos ng mga security system, pinalitan rin ang gate ng mas mataas na bakod at pinalibutan ito ng mga barb wire at mas dinamihan pa ito sa gawing itaas. Halos buong gusali ay may mataas na pader mula sa harapan at maging sa likuran. "Pinag tibay ng papa mo ang bakuran nitong gusali dahil aware na siya kung ano ang kanyang gawin ng Kappa. Maayos naman ang papa mo bagamat paminsan minsan ay wala ito sa mood at talagang mainitin ang kanyang ulo," wika ni Miyong. Natawa ako, "natural, milyong halaga ang nalugi sa kanya sa pag kasira ng Alpha Bounty o kung ano man ang nais niya itawag sa epic fail niyang negosyo. Kalokohang organisasyon na sinayang lang niya."