Crossroads AiTenshi Part 33 Kitang kita ko ang hubad na katawan ni Ram habang nakatayo sa aking harapan. Maya maya, bigla itong tumalikod at pinulot ang naalis na damit, kasabay nito ang pag liwanag ng kidlat sa kalangitan kaya malinaw kong napag masdan ang kanyang kabuuan. Doon ay labis akong nagulat dahil bumulaga sa aking dalawang mata ang katotoohanan sa pag katao ni Ram. Nakita ko ang isang tattoo sa kanyang likuran na may letrang KAPPA at may naka sulat na numero.. "#1 o NUMBER ONE." At iyon na ang pinaka huli kong natandaan. Tahimik.. Pag mulat ng aking mata, natagpuan ko nalang ang aking sariling naka higa sa ospital, puro benta ang buong katawan at pati na rin ang aking ulo. Ramdam ko ang pamamaga ng aking likuran sa dami ng hampas at tama na aking natamo. "Arrghh, gagong