Crossroads AiTenshi Part 42 Alas 5 ng hapon, noong lumakad ako sa parking lot at sumakay sa aking sasakyan para umuwi ay nakaramdam ako ng kaluskos sa back seat. Noong humarap ako dito ay bumulaga sa akin si Papa hawak ang stun gun, mabilis niya itong itinutok sa akin. Sa bilis ng pang yayari ay halos hindi na ako nakagalaw. Nag petrify ang aking katawan, nanigas ang aking kalaman dahil sa malakas boltaheng kuryenteng dumaloy dito kasabay nito ang pag bukas ng pintuan ng driver seat at sinukluban ako ng sako sa ulo. Hindi ako makapaniwala na pati ang aking sariling ama ay pag tatangkaan ako, tunay na tuso nga siya at halang ang kaluluwa!" ang sigaw ko sa aking isipan habang nag hahanap paraan para makatakas. Noong imulat ko ang aking mata ay natagpuan ko ang aking sarili sa loob ng is