PART 26

1344 Words

"Naalala mo pa ba ako, Mr. Hired. Killer?!" nakakakilabot na tanong ng asawa ng vice mayor kay Rashee. Napakariin ng pagkakasabi nito ng Mr. Hired Killer. Damang-dama ang paninibugho nito. Kitang-kita rin sa mukha nito ang napakatinding galit. Naningkit ang mga matang nakipagtitigan si Rashee sa Madam na itim lahat ang kasuotan at binabantayan ng mga lalaking putok na putok ang muscle sa katawan. "Rashee, katapusan na ba natin 'to?" hindi napigilang tanong ni Isel. Nangingiyak na ang dalaga. Bakit ba siya nasama sa ganitong sitwasyon? Ang tahimik ng buhay niya sa probinsya, eh. "Ate?!" saway ni Nicole sa kanya. "Kase nemen ang dami, eh!" parang walang malasahan sa bibig niya si Isel na pinasadahan niya ng tingin ang mga lalaking nakatutok ang mga baril sa kanila. Pagkatapos ay napaluno

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD