Pabigla na tumingin si Isel kina Nicole at Jaime. Bilog na bilog ang kanyang mga mata. Awang ang mga labi niya. At nagtatanong ang tingin niya sa dalawa. Naka-poker face si Jaime at nakangiti naman si Nicole sa kanya. Nakalagay ang hintuturo ng bata sa bibig nito. Ibig sabihin ay 'shut up' siya. Ang bangkay kasi ng lalaki sa kabaong ay hindi si Rashee! Iba! Gayunman ay naunawan na niya ang lahat kahit pa hindi pa nagpapaliwanag si Jaime at Nicole sa kanya. Nag-unahan pa lalo ang mga luha niya sa kanyang mga mata. Pero dahil sa masayang-masaya na siya ngayon ay hindi tulad kanina. Ibig lang kasing sabihin n'on ay buhay si Rashee! Buhay ang lalaking mahal niya! "Waaaaaahhhhhh! Huhuhuhu!" Iyak niya sa bangkay para ipakitang nagdadalamhati pa rin siya. Utos ng tingin sa kanya ni Jaime per
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books