LUMIPAS ang isang linggo at hindi pa rin nagigising si Kristen sa pagkaka-comatose. Bawat araw na lumilipas ay parang taon yata sa tatlong lalaki—kina Cedric, Cadmus, at Callum. Bawat patak ng araw ay kinakain pa rin sila ng labas na takot at pag-aalala. Pero mas masakit sa parte ni Cedric ang kaniyang sitwasyon. Hindi niya maigalaw ang kaniyang mga kamay para alagaan ang kaniyang asawa, hindi lang asawa niya, kundi pati sarili niya ay halos hindi na niya kaya pang alagaan dahil sa kaniyang mga braso na isa lang ang kaya niyang igalaw pero masakit pa rin. Masakit man at labag sa loob, hindi na lang nakipagtalo pa si Cedric ay Callum at hinayaan na lang ito na bisitahin si Kristen. Ngunit bawat pag-aalaga nito sa kaniyang asawa katulad ng pagpunas ng bimpo sa katawan, pakiramdam ni Cedri