DAHIL sa nangyaring pagkakita sa dating kaibigan ay mas pinili na lang ni Kristen ang magtago at agad na umalis ng courtroom bago pa siya makita ni Cedric. Pumasok na lang siya sa loob ng kaniyang kotse para doon na lang maghintay. Ngunit hindi na siya makapaniwala sa kaniyang nasaksihan. Hindi niya inaasahan na isa na palang attorney si Cedric. Ang inaasahan niya ay magiging doctor ito tulad niya dahil pareho lang naman sila ng kurso dati, pero nakakagulat na nag-change course pala ito at mas pinili na lang maging abogado. Habang naghihintay sa loob ng kotse ay hindi natiis ni Kristen at napa-search na lang siya sa internet ng pangalan ng dating kaibigan. Hanggang sa nasurpresa na lang siya sa mga resulta na bumungad sa kaniya; marami na palang naipanalong kaso si Cedric, at hindi pa i