INASIKASO muna ni Kristen ang kasintahan, binihisan at nagpatulong sa katulong na mabuhat ito papunta sa kama, dahil nga mabigat hindi niya kaya kung siya lang ang bubuhat mag-isa. “Manang, mula kanina pa po ba ’yan uminom?” tanong niya sa mayordorma matapos kumutan ang kasintahan sa kama. “Hindi ko po alam, Ma'am, hindi ko nga alam na naglasing pala si Senyorito. Pero ang alam ko ay wala ’yan dito kagabi, hatinggabi na siguro umuwi, o baka kaninang umaga lang. Hindi ko na kasi namalayan dahil busy rin ako sa gawain sa kusina.” Napabuntonghininga na lang si Kristen sa narinig. “Sige po, Manang, salamat.” Tumango ang katulong at lumabas na rin ng kuwarto matapos linisin ang mga kalat sa sahig. Pinagmasdan na lang ni Kristen ang tulog na kasintahan. Hindi niya mapigilan ang makonsensya,