PASADO alas syete na, kasalukuyan na silang nagdi-dinner sa loob ng dining room. Ang kambal ay nakaupo pa rin sa tabi ni Callum at panay pa ang daldal habang kumakain, walang kamalay-malay sa sitwasyon na nakapaligid sa kanila. Tahimik lang din si Kristen habang nakaupo sa tabi ng kaniyang isang kambal na anak, dahil nga nakapagitna ang mga ito sa kanilang dalawa ni Callum. Si Cedric naman ay mag-isang nakaupo sa kabilang banda, tahimik lang at napapatitig na lang sa dalawang bata, paminsan-minsan ay kay Kristen, pero pinilit naman ni Kristen na hindi ito mapatingin sa kaniya. “Daddy, can Caroline and I sleep next to you and Mommy again tonight?” tanong ni Charlotte habang kumakain. Pinilit pa rin ngumiti ni Callum sa bata. “Of course, sweetheart, puwedeng-puwede.” “Ikaw po, Tito Atto