NANG makauwi na pabalik ng mansyon ay agad na nakatulog ang kambal dahil pasado alas dyes na rin ng gabi. Matapos magbihis ay agad naman isinauli ni Kristen ang singsing kay Cadmus, pero ayaw naman nitong tanggapin. “Just keep it. I’m willing to wait,” sagot lang ni Cadmus sa kaniya bago ito pumasok na sa kuwarto nito. Ngunit humabol pa rin siya papasok sa bedroom nito. “No, ayokong maghintay ka, Cad. Masasayang lang ang oras mo sa akin.” Nilapag na lang niya ang singsing sa ibabaw ng bedside table, pero nang akmang lalabas na siya ng kuwarto ay mabilis naman siyang pinigilan ni Cadmus sa braso. “Ganiyan ka na ba talaga kalupit pagdating sa akin? Ni wala man lang pagdadalawang isip kung i-reject mo ako?” She stopped and let out a heavy sigh. “Please, Cad, stop it. Matagal ko nang nili