HINDI sana muna papasok si Kristen sa ospital dahil Saturday, at balak niyang ipasyal muna ang kaniyang kambal na anak. Pero tumawag naman si Cedric at gusto nitong makipagkita sa kaniya dahil may update na raw ito sa kaso ni Dr. Minzi Sanchez. Kaya naman kahit ayaw niyang pumasok ay napilitan na lang si Kristen sumaglit sa ospital at hinintay ang pagdating ni Cedric. Naghintay lang siya sa canteen ng ospital. Pero habang kasalukuyan siyang nakaupo sa may table, isang balita sa TV ang bigla na lang lumabas. “Natagpuan kaninang umaga ng mga nagbabasura sa isang dump site si Mrs. Geneva Arcazshde, walang iba kundi ang asawa ni senador Leon Arcazshde. Ayon sa mga nagbabasura ay nakita nila si Mrs. Geneva na nakahiga sa mga basura at wala nang malay habang pagang-paga ang buong mukha at dug