NANG magising si Kristen ay si Cedric agad ang una niyang hinanap, pero ang sagot sa kaniya ni Cadmus ay na-discharge na ito noong isang araw pa at inuwi na ng pamilya. “Wala ka nang dapat pang ipag-alala sa kaniya dahil inurong ko na rin ang kaso para hindi na siya mapahamak pa. Sapat na sa akin ang ilang buwan niyang pagkakakulong,” dugtong pa ni Cadmus. Kahit papaano ay nakahinga si Kristen nang maluwag at lubos na nagpasalamat sa diyos na pareho silang ligtas ni Cedric. Pero kung nagkataon na hindi nila tinulungan ang isa’t isa, malamang ay isa na sa kanilang dalawa ang lumisan dito sa mundo, o puwede rin pareho sila. Kaya napakasuwerte nilang dalawa at nakaligtas pa rin sila sa bingit ng kamatayan. Ilang araw pa siyang nanatili sa ospital, sumailalim muna sa therapy bago tuluyang n