PARANG pagod na pagod si Kristen pagkauwi sa kaniyang mansyon at stress na stress pa rin dahil sa mga pangyayari. Sinubukan na niyang pumunta kanina sa law firm ni Cedric, pero hanggang front desk lang ang naabot niya at tinaboy na agad siya ng legal assistant dahil wala raw siyang appointment. Kaya naman umuwi siyang bigo at nagpa-set up na lang ng appointment. Ang pasyente niya na naka-appointment kanina ng 3 PM ay hindi na niya naasikaso pa at ni-remove na lang ang schedule nito bukas. “Mommy, what are you thinking?” tanong ng kaniyang anak na si Caroline. Kasalukuyan na silang nakahiga mag-ina sa kama at parehong nakayapos sa kaniya ang dalawang anak, nakapagitna naman siya sa mga ito para pareho itong makayakap sa kaniya, dahil nga sanay na ang mga ito na nakayapos hanggang sa tulu