bc

BILLIONAIRE'S HIDDEN SON, LEVI MONTEMAYOR

book_age18+
8.6K
FOLLOW
92.1K
READ
billionaire
possessive
sex
playboy
dare to love and hate
maid
mafia
single daddy
disappearance
virgin
like
intro-logo
Blurb

“Billionaire's Hidden Son: Jed Levi Montemayor”

=

Levi Montemayor never believed in love. Sa paniniwala niya, ang bawat babae ay pansamantalang libangan lamang—hanggang sa dumating si Savannah Emerson, ang nag-iisang babaeng nagpabago sa mapaglaro niyang puso.

Ngunit paano kung malaman niyang ang babaeng unti-unti niyang minamahal ay isang inosente at mangmang sa totoong mundo? Pipiliin ba niyang mahalin ito... o gagawin lamang niya itong panibagong laruan, tulad ng lahat ng babaeng dumaan sa kanyang buhay?

Samantala, si Savannah Emerson ay isang simpleng babae na ibinigay ang buong puso sa unang lalaking natutunan niyang mahalin. Ang hindi niya alam, para kay Levi, isa lamang siyang pansamantalang libangan.

Ngunit ang mas malaking lihim...

Si Levi ay hindi lamang isang makisig na bilyonaryong negosyante.

Siya rin ang kinatatakutang Mafia Boss.

Kapag nabunyag ang lahat ng kanyang mga sikreto, mananatili pa rin kaya ang pag-ibig... o tuluyan nitong wawasakin ang puso ng babaeng unang nagpaniwala sa kanya na totoo ang pagmamahal?

chap-preview
Free preview
TEASER
“AKO? Sigurado ka bang si Jed Levi Montemayor ang hinahanap mo?” salubong ang kilay na tanong niya sa babae habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan nito. Hot, s*xy, at kaakit-akit. Hindi lamang niya masiguro kung maganda ito dahil madilim ang paligid. Gayunman, hindi niya maikakaila na nakakaramdam siya ng pagnanasa sa babaeng nasa harapan niya. “Yes, you are. Kaya sumunod ka sa akin.” Tumaas ang kilay ni Levi at muntik na siyang mapamura. Walang sinuman ang maaaring mag-utos sa kanya. Pagkatapos, bigla na lamang lilitaw ang isang babaeng hindi niya kilala at uutusan siyang sumunod dito? Gayunman, nagising ang kuryosidad ni Levi. Ano nga ba ang tunay na pakay nito sa kanya? Kahit gusto na niyang tumayo ay pinigilan niya ang sarili. Maaaring nakuha nito ang kanyang atensyon, ngunit hindi iyon sapat na dahilan upang sundin niya ang nais nito. Nanatili siyang nakaupo. Hindi ba siya kilala ng babaeng tumatawag sa kanya? At gusto pa talaga siyang utusan? Fck! The Mafia Boss and Billionaire, Jed Levi Montemayor, kailanman ay hindi maaaring utusan ng kahit sino. No way!* Kaya sa halip na sundin ang babae ay lalo pa siyang sumandal sa upuan. Dinampot niya ang basong may lamang whisky at tinungga ang laman niyon. Gayunman, lihim niyang sinundan ng tingin ang bawat galaw ng babae. Maya-maya ay tila hindi na ito nakatiis. Lumapit ito sa kanya at umupo sa tabi niya. Hindi nagtagal ay naramdaman ni Levi ang mainit nitong hininga sa gilid ng kanyang leeg. Langhap na langhap din ng matangos niyang ilong ang nakahahalina nitong pabango. Napatuwid si Levi nang biglang masinagan ng liwanag mula sa dance floor ang mukha nito. Malinaw niyang nakita ang babaeng halos mahalikan na niya dahil sa sobrang lapit nila sa isa’t isa. “Sh*t!” Totoo ba ang nakita niya? Si Savannah Emerson—ang supermodel na kinababaliwan ng mga kalalakihan at pinapangarap na madala sa ibabaw ng kama. Walang iba kundi ang ina ng kanyang anak. Napatayo siya at agad na hinawakan ang braso nito bago malakas na hinila. “Ouch!” protesta nito sabay tulak sa kanya palayo. Napakalakas yata ng pagkakahila niya dahil sumandal ang mukha nito sa kanyang dibdib. At sa sandaling iyon ay agad na nag-init ang pakiramdam ni Levi. Kahit halos isang metro na ang layo nito sa kanya, hindi pa rin nawaglit sa kanyang isipan ang napakalambot nitong katawan. Ramdam pa rin niya ang malusog nitong dibdib na saglit na lumapat sa kanyang katawan. “F*ck this woman!” Talagang sinusubukan yata siya nito. Matapos ang napakahabang panahon ng pagkawala ay bigla na lamang itong nagpakita. At dito pa talaga sa loob ng bar. “I said, follow me! Or else, hindi na ako muling magpapakita sa iyo,” wika nito sa kaakit-akit at napakalambing na tinig. “Kung sasama ba ako sa iyo, papayag ka bang ibigay ang gusto kong mangyari ngayong gabi?” diretsahang tanong ni Levi habang muling naglalaro sa kanyang isipan ang kaakit-akit nitong katawan. “Ano ba ang gusto mo ngayong gabi?” “Kung sasabihin kong ang katawan mo, papayag ka?” “Let’s see…” pambibiting sagot nito. Samantala, habang nakatitig si Levi kay Savannah, iisa lamang ang pumasok sa kanyang isipan. Parurusahan niya ang babaeng ito na nagpahirap sa kanyang puson sa mahabang panahon. Magmula nang madala niya nang paulit-ulit si Savannah sa ibabaw ng kama, tila isang bad karma ang nangyari sa kanya. Mula noon ay hindi na siya nasiyahan sa kahit sinong babaeng dinadala niya sa kama. “Hindi ka pa rin nagbabago. Mas mabuti pang sumunod ka na lamang sa akin,” sabi ni Savannah bago ito naunang naglakad palabas ng bar. Tiim-bagang na tumayo si Levi at sumunod dito. Pagdating nila sa parking area ay sumakay si Savannah sa isang mamahaling sasakyan. Malalaki ang hakbang na sinundan siya ni Levi at binuksan ang pinto sa passenger seat. Pagkaupo niya ay agad na nag-init ang buo niyang katawan dahil sa ayos ng pagkakaupo ni Savannah. Halos nakahiga na ito sa upuan, nakabuka ang magkabilang hita habang nakatitig sa kanya ang mapungay nitong mga mata. “Ano ba talaga ang gusto mo at dinadaan mo ako sa pang-aakit?” “Nakikita mo ’yon samantalang madilim dito?” “Nakita mong nakabukas ang ilaw, huh!” pangangatwiran ni Levi. Hindi siya basta nauubusan ng dahilan o palusot. “Kung sakaling naaakit ka pa rin ba sa akin, Mr. Billionaire?” “Kung sasabihin kong tama ka at naaakit ako sa ginagawa mo, papayag ka ba sa gusto kong mangyari?” “Depende kung ano ang gusto mo mula sa akin,” walang alinlangang sagot ni Savannah. Kahit ang totoo ay nagsisimula nang manginig ang kanyang mga tuhod. Sa maraming taon na lumipas, hindi pa rin niya maitatanggi sa sarili ang lihim na pagmamahal niya rito. Kahit alam niyang hindi siya kailanman bibigyan ni Levi ng atensyon, hanggang ngayon ay patuloy pa ring umaasa ang kanyang puso. Pumikit si Savannah at marahang ipinilig ang ulo. Baka sakaling mabura ang mga alaalang hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kanyang puso at isipan. “Dammit! Huwag mo akong tulugan. Sabihin mo kung ano ang tunay mong pakay. Bakit mo ako pinuntahan dito at dinala sa sasakyang ito?” Hindi na nagustuhan ni Levi ang tila pag-iwas ni Savannah sa kanyang mga tanong. “Hindi ako natutulog, Mr. Montemayor. Sumakit lang ang mga mata ko.” “Do you want me to f*ck you right here, right now? Kaya mo ba ako pinapunta rito? Dahil hanggang ngayon ay hinahanap-hanap mo pa rin ang haplos ko na hindi mo nakita sa iba?” “W-Wala akong iniisip na ganyan.” “Oh, really? O baka naman nasasabik kang muling matikman ang p*********i ko?” “K-Kung sasagutin kita ng oo, g-gagawin mo ba ulit?” “Sigurado ka? Kahit dito tayo sa loob ng sasakyan? Dahil kapag nagsimula ako, wala nang atrasan.” “Oo, kahit saan mo gusto…” “Kung gano’n ay umpisahan na natin. Remove your clothes. O baka gusto mong ako pa ang magtanggal ng saplot sa katawan mo?” “Go ahead. Gusto kong makita kung paano muling huhubarin ni Jed Levi Montemayor ang mga damit ko.” “Sure, sweety.” Subalit nang hahawakan na ni Levi ang damit nito ay bigla itong may kinuha sa gilid ng upuan. “Pirmahan mo muna ito bago mo ituloy ang gusto mong gawin sa katawan ko.” Mabilis na inagaw ni Levi ang mga papel at pinasadahan ang mga nakasulat doon. Malinaw niyang nabasa ang laman ng mga dokumento dahil nakabukas ang ilaw sa bandang ulunan nila. “So, gagamitin mo ang katawang ’yan para lang dito?” kunot-noong tanong ni Levi kay Savannah. “Natural! Gusto kong makuha ang anak ko!” matapang na sagot nito. “Sa akala mo ba gano’n lang kadali akong mapapayag? At iyang katawan mo na gusto mong ialay sa akin kapalit ng bata? Marami niyan dito—mas maganda, mas s*xy, at mas hot kumpara sa iyo! Isa pa, gusto kong malaman mo na mataas ang standard ko pagdating sa babaeng pagkakatiwalaan ko sa anak ko. O mas tamang sabihin, sa babaeng pakakasalan ko at magiging ina ng mga susunod ko pang anak!” Mahabang lintanya iyon mula sa naiinis na si Levi. Hindi nakaimik si Savannah. Wala sa hinagap niyang maririnig niya ang ganoon kasasakit na mga salita mula rito. Sabagay, tama naman ito. Walang-wala siya sa mga babaeng nakapaligid kay Levi. Isa lamang siyang dating kasambahay ng mga ito. At kaya lamang siya sumikat bilang isang modelo ay dahil sa perang ibinayad sa kanya ng fiancée nito. “Ahm… pasensya na. N-Nagkamali ako.” Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at tumakbo palayo. Masakit pa rin. Akala niya ay hindi na siya maaapektuhan sa mga sasabihin nito, ngunit wala pa rin palang nagbabago. Ang bawat salitang binitawan ni Levi ay tila mga patalim na tumutusok sa kanyang dibdib. Akala niya ay matapang na siya nang harapin niya si Levi Montemayor. Ngunit tiklop pa rin pala siya pagdating dito. “Savannah, sandali!” Malinaw niyang narinig ang malakas na tawag ni Levi, ngunit hindi na niya ito nilingon. Bahala na ang kanyang driver sa sasakyan. Ang mahalaga ay makalayo siya kay Levi Montemayor. Dahil aminin man niya o hindi, alipin pa rin siya ng pag-ibig niya rito. At kahit anong gawin niya, hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang nasasaktan. SAMANTALA, nagmamadali si Gio sa pagmamaneho upang makahabol sa stag party ng kanyang kaibigan. Kung bakit naman kasi kinailangan pa niyang ihatid ang kanyang ina sa bahay ng amiga nito sa Angeles City. Nawala sa isip niya na ngayong gabi nga pala gaganapin ang huling gabi ng kanyang kaibigan bilang binata. Saka bigla pang bumuhos ang malakas na ulan kaya nahirapan siyang magmaneho nang mabilis. Paliko na siya sa kanto ng Ayala dahil mas malapit doon ang daan patungo sa penthouse ng kanyang kaibigan. Bigla niyang inapakan nang malakas ang preno nang muntik na siyang makasagasa ng isang babae. O mas tamang sabihin, nahagip yata niya ito dahil narinig pa niya ang sigawan ng ilang taong nakasaksi sa pangyayari. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at lumapit sa babaeng nakahandusay sa gilid ng kanyang SUV. “Miss, nasaktan ka ba?” nag-aalalang tanong ni Gio. “Ugh… Binangga mo ako, tapos tatanungin mo kung nasaktan ako?” daing ni Savannah sa taong nakabangga sa kanya. Kumalma nang bahagya ang pakiramdam ni Gio nang marinig niyang nakapagsasalita pa ito. At least, hindi malala ang naging tama nito sa aksidente. “Pakihatid mo na lang ako sa malapit na clinic para malagyan ng gamot itong sugat ko sa paa.” “Sige. Kaya mo bang tumayo at maglakad?” “Y-Yeah.” Ngunit nang akmang tatayo si Savannah ay napangiwi ito dahil sa matinding kirot na naramdaman. “Huwag mong pilitin. Bubuhatin na lamang kita.” Hindi na siya nakapagprotesta nang bigla siyang buhatin ni Gio. Ipinasok siya nito sa passenger seat at maingat na ikinabit ang seatbelt. Hindi sinasadyang nagtagpo ang kanilang mga mata. “Y-You… I mean, Savannah Emerson, right?” “Ahm… y-yeah.” Agad na inayos ni Savannah ang kanyang pagkakaupo dahil nalalanghap na niya ang hininga nito sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa’t isa. “Bakit pala basang-basa ka? At ano ang ginagawa mo sa lugar na iyon sa ganitong oras?” “N-Nasiraan kasi ako ng sasakyan at ipinadala ko iyon sa talyer. Kanina pa ako naghihintay ng taxi, pero walang dumadaan. Hanggang sa biglang bumuhos ang malakas na ulan.” Bahala na kung maniwala ito sa kanyang alibi. Iginilid ni Gio ang sasakyan upang kunin ang extra towel niya sa compartment. Lagi siyang may dalang isang bag na may ekstrang damit dahil minsan ay naiisipan niyang mag-out of-town nang hindi na kailangang umuwi pa sa bahay. “Here. Punasan mo ang buhok mo at ibalabal mo na rin ito sa katawan mo. Baka magkasakit ka. Uso pa naman ngayon ang trangkaso dahil sa pabago-bagong panahon.” “Salamat dito, Mr…” “Gio ang pangalan ko.” “Salamat, Mr. Gio.” “Just call me Gio. Masyadong formal kapag may ‘Mister.’” “Okay, Gio.” “Alin pala ang uunahin natin—ang clinic o ang bahay mo? Baka sipunin ka niyan dahil matagal kang nababad sa ulan.” “S-Sige, sa bahay na lang. May medical kit naman ako roon.” “Okay. Saan ba ang bahay mo?” “M-Malayo iyon, at baka may pupuntahan ka pa. Maaari mo naman akong ibaba sa taxi stand para makasakay ako.” “No! Ihahatid na kita sa bahay mo. Baka mamaya ay salbahe pa ang maging taxi driver mo.” “Salamat, Gio.” Kahit nahihiya ay nakiayon na lamang si Savannah sa nais ni Gio. “Walang anuman, Ms. Savannah,” nakangiting sagot ni Gio. Habang nagmamaneho ay hindi niya mapigilang pasulyap-sulyap sa babaeng katabi. Napakaganda pala talaga nito sa personal.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.3K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.4K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook