“AYAY! Sorry Ale!” tili ni Aliya. Hindi pala kalaban ang nabayagan niya kundi si Alejandro. Mabilis niyang nilapitan ang binata at niyakap. “F*ck! You’re going to kill me, Aliya!” tiim-bagang nitong singhal sa kaniya pero mahigpit naman ang hapit ng kamay sa kaniyang baywang. “Sorry na. Inuubos ko kasi ang mga bantay rito sa mansiyon para hindi ka na mahirapan. May tumulong namang tauna ni Romano.” Nagre-recover pa lang sa sakit si Alejandro. Nang may sumulpot na kalaban sa gawing likuran nito ay mabilis umigkas ang kanang paa niya at sinipa sa mukha ang lalaki. Naitulak pa niya sa likod si Alejandro dahil may isa pang lalaking dumating. Sinipa niya ang kamay nitong may hawak na baril saka hinuli ang leeg nito buhat sa likuran at na-headlock ng kaniyang mga braso. Nabuwal sila sa sah