INABOT pa ng dalawang linggo sina Alejandro at Aliya sa Italy. Nagbenta pa kasi si Alejandro ng mga treasure. Ang iba ay sa auction binenta dahil mas malaki ang halagang nakuha. Nakipag-ugnayan pa si Alejandro sa bansang napili ng lolo nito, nakalagay sa last will. Kilala pala ng lolo nito ang dating presidente ng bansa at nakipagtulungan sa new generation. Kumuha ng bagong abogado ang binata upang mas mabilis ang proseso. Hindi na sumama si Aliya sa pagbisita ni Alejandro sa bansang tinulungan. Naiwan siya sa bahay ni Chase at nagsanay sa spy work. Umuwi na ng Pilipinas sina Enel at Yoshin, kasama ang ibang agents dahil may iba pang misyong aatupagin. Si Vladimir naman ay dumiretso sa Sicily at bibisitahin umano ang negosyo. “We’re not done fighting for Alejandro’s safety, Aliya,” sabi