PUSPUSAN na ang paghahanda ni Aliya para sa paglipat sa poder ni Romano. Sininop na nila ni Chase ang maliliit na device na dadalhin niya, iyong tiyak na hindi made-detect ng kalaban. Pinalitan ni Chase ang mga alahas na suot niya ng device. Maging ang ponytail niya ay merong device. Ang kaniyang hikaw na humahaba ay isang universal key na kayang buksan kahit anong seradura o kandado. Nasa ponytail niya ang tila maliliit na perlas pero IED. Nasa loob ito ng transparent na bulaklak ng ponytail. Ang kaniyang necklace naman at pinong white gold, at ang pendant nito ay infinity na may malalaking crystal pero device ito na puwedeng audio. Natatanggal ang oval crystals at puwedeng idikit sa matigas na bagay. Ang gagamitin naman niyang earphone ay transparent at puwedeng itago sa parte ng kataw