“ALE! Hello!” natataranta nang sabi ni Aliya. Wala pa rin kasing nagsasaliya mula sa kabilang linya. Ilang minuto ang lumipas bago luminaw ang ingay sa linya ng mga lalaki. May music siyang narinig, tawanan, at mas malinaw sa pandinig niya ang tinig ni Vladimir. May nagmura pa. Napangiwi siya. “Mga tukmol talaga! Ale!” sigaw niya. “Aliya?” tinig ni Alejandro. “Sa wakas! Hoy! Ano na? Bakit may putok ng baril akong narinig?” aniya. “Thank God you, on the line! Where are you? We just tried the old gun if it’s still working.” Bumakas sa tinig ng binata ang pag-aalala. “Ayos lang ako. Narito na ako sa bahay n’yo ata ‘to. Nakaharap ko na kanina ang daddy mo, kasabay kong nag-almusal.” “Good. How’s the situation there? Ano’ng mga sinabi ni Daddy?” “Wala pa kaming napag-usapan. Kinilala la