KAGIGISING lang ni Aliya ay may kumatok na sa pinto. Mabilis siyang bumangon at inayos ang kaniyang sarili. “Come in!” sabi niya. Bumukas naman ang pinto at pumasok si Romano. “Prepare yourself. I will call Alejandro after breakfast to do Dad’s order. Ipapakita ka lang namin kay Alejandro before convince him for a deal,” sabi nito. “Sige. Magbabanyo lang ako.” “I will wait outside.” Tumango lang siya at pumasok ng banyo. Nakasabay ulit nila sa almusal si Leonardo at sa pagkakataong iyon ay magaan itong kausap. Diretso na sila sa opisina nito pagkatapos kumain. Doon ay tinawagan ni Romano si Alejandro at kinausap tungkol sa deal ng daddy nito. Nai-send na umano ni Romano ang picture niya na merong IED sa braso. Ilang minutong kausap ni Romano si Alejandro at sa huli ay kinausap din i