ARAW ng Lunes ay inagahan ni Aliya ang gising dahil magsisimula na siya sa trabaho. Dalawang araw na hindi niya nakausap si Alejandro dahil palaging nagkukulong sa kuwarto. Ginawa pala nitong opisina ang isang kuwarto at may kung anong ginagawa sa loob. Lumalabas lang ito kung kakain o asikasuhin ang mga aso. Nagluto na siya ng almusal at pinakialaman ang sangkap ni Alejandro sa pancake. Mahilig ito sa pancake kaya iyon ang madalas niyang lutuin sa umaga. Nagising na rin si Alejandro pero lumabas kaagad ng bahay. Madalas naman itong nagigising nang maaga pero mag-jogging lang sa labas, mag-aalmusal, maliligo, tapos babalik sa kuwarto. Ganoon lang ang routine nito at talagang never siyang sinabayan kumain. Ramdam pa rin niya ang pag-iwas sa kaniya ng binata. Kinakausap lang siya nito ku