KINULOT ni Aliya ang kaniyang buhok at nagsuot siya ng itim na dress para terno sa black suit ni Alejandro. Sa isang hotel kasi sila pupunta kung saan ito makipagkita sa kapatid. Nagsuot pa siya ng two inches sandals kaya nadagdagan ang taas niya. At siyempre, nagpahid siya ng lipstick sa mga labi at manipis na makeup. Wala na siyang pake kung makilala man siya ng kapatid ni Alejandro. Hindi naman bati ang mga ito. “Aliya!” tawag ni Alejandro. Nasa labas na ito ng kuwarto. Kinuha na niya ang kaniyang itim na shoulder bag at lumabas ng silid. Naghihintay na sa labas si Alejandro at nakasimangot. “Heto na nga, eh,” angil niya. Kumapit siya sa kanang braso nito. Sabay na silang pumasok sa elevator. Sina Yoshin at Enel lang ang makakasama nila at si Enel ang driver ng kotse. Nasa backsea