NAKAIDLIP si Aliya at nang magising siya’y nakaalis na si Alejandro. Nagpaalam naman ito at sabi’y pupunta sa opisina ng kompanya nito. Humilab ang kaniyang sikmura kaya lumabas siya ng kuwarto. May heater doon sa bahay kaya hindi na siya nagsuot ng jacket. Itim na legging at blouse lang ang kaniyang suot. Tanghali na pala kaya ginutom na siya. Hindi kasi siya sanay sa almusal na walang kanin kaya mabilis siyang ginutom. Paglapag niya sa ground floor ay nanuot ang mabangong niluluto mula sa kusina. Nag-explore muna siya sa lobby na sobrang lawak. Lumapit siya sa piano na nasa gilid ng bintana. Meron malaking larawan ng matandang lalaki sa dingding. Nakasuot ito ng uniporme ng sundalo ng Russia. General pala ang lolo ni Alejandro. Malaki ang pagkakahawig ng mommy ni Alejandro sa lolo nito