HINDI makatulog si Aliya. Bukod sa masikip ang higaan nila ni Alejandro, ayaw ring kumalma ng kaniyang takot. Pumasok na ng kuwarto si Alejandro at nadatnan siyang nakaupo lang sa kama. “You’re still awake,” sabi nito. Tinabihan na siya nito. “Hindi ako makatulog. Inaalala ko ang mangyayari. Bakit tinanggap mo pa ang misyon?” balisang turan niya. “I need this mission to be able to eliminate my enemy, Aliya. I can’t move free if I use my identity as a mafia. I got permission to kill those bad guys, and the military was on my side, even the police. They will notify me as an undercover hitman of the Russian military,” paliwanag nito. “Pero lalong delikado ang trabaho mo.” “Aliya, I’m a sniper. I have done this job since I entered the military. Marami na akong misyong nagawa, although dan