HINDI nagpapigil si Alejandro sa plano nito. Ang mga opisyales lang na active sa raid operation at ibang misyon ang kasama nila sa meeting. Hinintay talaga ni Alejandro si Vladimir para mag-finalize ng plano. “Isang tao lang ang papasukin natin sa mansiyon,” ani Vladimir. Nagkatinginan silang lahat habang nagtipon paikot sa mahabang lamesa. Kating-kati na ang kamay ni Aliya na itaas at sabihing siya ang papasukin sa mansiyon. Kaso wala pa man siyang ginagawa ay masama na ang tingin sa kaniya ni Alejandro. Katapat kasi niya ito kaya kitang-kita nito ang kilos niya. “I’ll do it,” sabi ni Chase. Nabaling kay Chase ang atensiyon ng lahat. Mahusay nga naman ito sa pasikut-sikot ng isang well-guarded facility with a lot of security cameras. Mas madali nitong ma-hack ang mga devices sa loob.