HINDI na nakatulog si Aliya kakahintay na magbukas ang linya ng device na nasa nanay niya. Iritable siya dahil pinaalis na siya ni Alejandro sa opisina kung nasaan si Chase. “Mamaya na ako matulog,” maktol niya. “Late na, Aliya. Baka tulog na ang nanay mo at hindi pa maasikaso ang device. Maaring naghihintay pa siya ng tiyempo dahil may mga kasama siya,” ani Alejandro. Hinila pa siya nito palabas ng opisina. “Huwag kang mag-alala, Aliya, ako ang bahala mag-assist sa nanay mo. Titiyakin ko na hindi siya mapapahamak,” sabi naman ni Chase. Padabog siyang lumabas ng opisina. Dahil ayaw niyang maglakad, binuhat na siya ni Alejandro at diretso na sila sa elevator. Hindi na siya pumalag nang ipasok siya nito sa kuwarto. Ala-una na rin ng madaling araw at nagpipigil lang siya ng antok. Nakal