INUBOS na ni Aliya ang kinakain at kinuha ang isa pang naiwang sandwich. Pagkatapos ng meryenda ay lumabas na siya ng bahay. Sumunod sa kaniya si Kuro pero nagmamasid dahil hindi nakakulong si Moris. Namataan niya si Alejandro na nakaupo sa harap ng round table malapit sa swimming pool. Naroon din ang tatlong aso at nakatunganga sa amo. Inaabutan naman ni Alejandro ng tinapay ang bawat isang aso. Lumapit na si Aliya sa munting bahay ng tangke ng tubig at kinuha ang pala na maliit. Nagulat siya nang biglang umakyat sa likod niya si Kuro. “Aray naman, Kuro!” daing niya. Pasugod na kasi sa kanila si Moris at pilit inaabot si Kuro. Tumalon ang pusa at hinabol naman ni Moris. “Hoy, Moris! Tantanan mo nga si Kuro!” sigaw niya sa aso. Ayaw tumigil ni Moris kaya pumulot na siya ng maliit n