Kanina pa parang kiti-kiti ang best friend ko habang naglilikot siya sa tabi ko. Ang hyper-hyper, ang daming baon na energy. "Oh my god, bru! I am so excited! Grabe, ang tagal kong pinangarap nito!" kinikilig niyang sabi habang nasa backstage kami. Special passes pala ang tickets na ibinigay sa amin ng Kryptonite kaya pwede kaming pumasok sa backstage kasama ang iba pang bands na mag-pe-perform para sa opening night ng restau bar ng kaibigan ni Mama Kirsten. "Sobrang taas na achievement para sa isang fangirl. Ihhh! Hindi talaga ako makapaniwala na mangyayari 'to sa buhay ko!" naluluha-luha niya pang sabi. OA talaga 'tong best friend ko pagdating sa Kryptonite. Buti na lang at nasa stage sila ngayon para i-check ang equipments na gagamitin nila. Malayang-malaya si Julianne na mag-fangir