Dalawang taon na akong naninirahan dito sa Los Angeles. Tahimik ang buhay ko rito at masaya naman ako kasama ang grandparents ko. Hindi naman nila ako itinuring na iba kaya hindi ako nahirapang mag-adjust pati na sa mga relatives namin. They are actually all excited to have me here. Matagal din akong itinago ng lolo kaya sa mga pictures lang ako nakilala ng mga kamag-anak ko rito sa Amerika. My life is all good but I know that something is still missing. "Alex?" rinig kong may tumawag sa akin. Kulang na lang ay mabitiwan ko ang cart ng mga itlog na hawak ko nang lingunin ko siya. "I never thought that I will bump into you here!" nakangiti niya pang sabi. "Uhm, yeah. Me too," naiilang na sagot ko. This is very awkward but she looks excited to see me. I honestly feel the opposite. "I w