Lumakad ako palabas ng assigned room pagkatapos kong magpaalam sa ilang mga kaibigan. Napasinghap agad ako sa gulat nang may humila sa akin sa gilid at agad kong hinampas ang braso niya nang makita ko kung sino siya. "Timothy!" "What?" nakatawa niyang sabi. "Nagulat ka?" "Oo! Tuwang-tuwa ka pa!" pabiro akong umirap at natigilan ako nang mas lumapit siya sa akin. Yumuko siya at bumulong sa tainga ko. "Tapos na class mo, 'di ba? Tara na," aya niya sa akin. “I will take you somewhere.” "Huh?" nalilitong tanong ko. “What!?” "Let's escape the world for a little while," nakangisi niyang sagot. "Tara! Ako ang bahala." "Fine," pagpayag ko naman. "Baka kung anong kalokohan lang 'to, ha? Nako, Timothy! Sinasabihan na kita..." "Trust me," he assured me. Inilahad niya ang kamay niya sa harap k