"Well, sa bagay na iyan, Mr. Saavedra si Annika ang magdedesisyon," sabi ng ama ni Annika. "Yes, Mr. Saavedra, si Annika pa rin ang magdedesisyon pagdating diyan," secunda naman Mommy ni Annika. "Alam ko po iyon Mr. and Mrs. De Jesus. Nais ko lang po na personal na ipaalam sa inyo ang panliligaw ko po kay Annika," he said at sinulyapan si Annika na wala namang kibo at nakatingin lang sa kanya. "Kung sa amin lang ng Mommy ni Annika, walang problema. Kilala naman namin ang pamilya Saavedra sa bayan na ito. Isa magalang kang bata at mukhang mabait pa," litanya ni Mr. De Jesus sa kanya. "Annika, anak. Ika ang magde-desisyon niyan,' sabi ng Mommy ni Annika. "Pwede ba tayong mag-usap Garreth,' sabi ni Annika sa kanya. "Sure thing," tugon niya. "Mommy, Daddy, excuse me po," magalang na paa

