"Rico mag-usap muna tayo," sabi niya kay Rico nang magkita sila nito sa may simbahan kung saan siya pinapupunta nito. Pagdating palang kasi niya ay halos kaladkarin na siya ni Rico papasok sa simbahan para makausap na ang pari. "Annika, may trabaho pa kasi ako, siningit ko lang ito," saad ni Rico sa kanya. "Rico, kailangan muna natin mag-usap," pagmamatigas niya habang pilit binabawi ang kamay niya rito. "Sige ano ba ang sasabihin mo?" Tanong nito sa kanya at binitiwan ang kamay niya. "Teka, sandali. Bakit hindi mo suot ang singsing na bigay ko sa iyo Annika?" Kunot noong tanong sa kanya ni Rico. "Iyon ang gusto kong pag-usapan natin," tugon niya. Lumabas sila ni Rico ng simbahan at sa loob na lang ng kotse niya sila nagtungo para doon mag-usap. "Rico, bakit ba parang minamadali m

