Makalipas ang isang linggo nakalipat na nga siya sa bahay ni Garreth. Pinagpaalam naman niya ng maayos sa mga magulang ang gagawin niyang paglipat sa bahay nj Garreth. Hindi naman tumutol pa ang kanyang mga magulang sa pag li-live na gagawin nila ni Garreth. Nasa modern age na rin naman daw sila at marami na ang nag li-live in daw ngayon bago magpakasal. Although hindi naman niya binanggit sa mga magulang na wala pa silang kasal na napapag-usapan ni Garreth. Pero umaasa naman siya na darating din sila ni Garreth sa ganoong stage. Hindi na rin niya binanggit pa sa mga magulang niya na ang kaligtasan niya ang iniisip ni Garreth kaya siya pinalipat sa bahay nito. Until know kasi wala pa ring idea ang kanyang mga magulang kung paano sila nagkakilala ni Garreth. Ang akala ng mga ito sa trabaho

